Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Latest
  • Infinix NOTE 50 Pro – Madami Bang Improvements?!
  • Infinix
  • Latest
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix NOTE 50 Pro – Madami Bang Improvements?!

Itong Infinix NOTE 50 Pro ay may RGB notification light. Kapag binuksan natin ang health app, pwede natin gamitin ang ph...
sulittechreviews May 2, 2025

May bago na namang NOTE lineup ang Infinix at iyan ang Infinix Note 50 lineup. Yung Pro 4G version ang ire-review natin ngayon.

Price

Pero kahit alin pa sa NOTE series yung bilhin mo ay meron kang matatanggap na exclusive Infinix Freebies. Tapos, meron ka pang one year na viu premium subscription. Nasa baba ang link para ma-check mo kung available pa ang promo at ang updated pricing.

Unboxing

Dual tone ang box nitong NOTE 50 Pro 4G. Tapos, may yellow green na line don sa may gitna ng box. Mayroon lang kayong makikita mga nakalagay na 90W+30W charging, at One-Tap Infinix AI. Pag-open ng box, yung document sleeve yung makikita natin. Meron itong SIM ejector pin, S-VIP card, warranty information, installation guide para sa tempered glass, at hard case. Yung hard case ay may tulong para maging magnetic yung wireless charging. Ito na yung ating Note 50 Pro na nakabalot sa colored plastic na may top specs. Nandito nga pala sa atin ay ang Titanium Gray na kulay. Sobrang premium ng itsura ng bago nilang lineup pero at the same time ay very simple pa rin. Sa ilalim ng box, makikita naman natin yung 90W na charger at panghuli yung USB-C cable.

Design

If ever man na ayaw niyo nitong Titanium Gray, meron pa namang Enchanted Purple, Shadow Black at Racing Edition. According to Infinix, meron itong Armor Alloy Metal Frame kaya mas matibay yung build ng Note 50 compared sa previous generation. Kahit napakasimple lang ng itsura, halos wala nang design, at plain na plain. Medyo kakaiba lang ‘yung shape nung camera module pero hindi siya kapitin ng fingerprints at smudges. Well, meron pa ring kumakapit pero hindi masyado. For the most part, talagang mapapanatili natin na malinis ‘yung itsura ng phone.

Dust and splash resistant na yung phone na ‘to kasi meron itong IP64 na ingress protection. Kapag tiningnan niyo ang ibabaw nitong Infinix Note 50 Pro, meron itong JBL branding kasi sound by JBL ito. Dual speakers ang meron sa phone. Secondary speakers sa may taas tapos sa may ilalim yung primary speaker. Sa taas ulit ay merong IR Blaster at secondary microphone. Sa may left side, malinis na malinis. Right side naman yung volume up and down button at yung power lock button na merong yellow accent. Ang ganda nung touch na iyan. Sa may ilalim ulit, may USB-C port, main mic, at SIM tray. Ang SIM tray ay dual SIM. Hindi tayo pwedeng makapaglagay ng micro-SD card. Good to know na 256GB na agad-agad yung pwede nating makuhang configuration kapag bumili tayo.

Sana lang sa susunod na lineup nila ay meron ng 512GB na option. Sa pag-test ko sa In-display fingerprint scanner. Okay naman, reliable. Kailangan lang nating hintaying lumitaw yung fingerprint icon dito sa bandang baba para ma-unlock. At ang isa pa sa medyo nakakalungkot sa Note 50 Pro, wala itong eSIM support.

Active Halo Lighting

Sa may ibabang part ng camera module ay may makikitang RGB notification light. Ang tawag ng Infinix diyan ay Active Halo Lighting. Ang purpose niyan ay para makita natin yung notifications, may kulay habang nagsho-shoot ng video, calls, at pwede rin gamitin para ma-monitor natin yung heart rate, or ma-check yung ating SPO2. Iba-iba yung itsura ng ilaw nito depende sa notification. Malaking tulong yan lalo na kung gusto lang natin iwanan yung phone na naka-upside down. Hindi na natin kailangan i-unlock iyung display para lang i-check kung meron tayong notification. Tapos sinubukan ko din ito sa charging. May kulay green tayong makikita sa paligid nung mismong active halo. Iyan yung percentage nung battery na nacha-charge na sa phone.

Gamit yung health app, pwede nating magamit yung active halo para ma-check yung ating BPM or heart rate plus yung ating SPO2. Lagay lang natin yung ating finger sa Active Halo tapos steady lang tayo at hintayin na matapos. Mabilis naman siya magbasa. Huwag lang sobrang diin kasi na-try ko ‘yun at nag-error ito. If ever man, na-lowbat ‘yung ating smartwatch or wala tayong suot na smartwatch at gusto lang nating ma-check ‘yung ating BPM. Pwede nating gamitin ang Active Halo.

Display

Specification:

100% DCI-P3 ito kaya maaasahan natin na accurate yung kulay na mapo-produce ng display nitong Infinix Note 50 Pro. Sa display settings > screen refresh rate ay may tatlong option. Auto switch, para ‘yung XOS na ‘yung magde-decide kung kailangan ba ibaba to 60Hz or itaas to 120Hz. Standard naman kung gusto nating makatipid sa battery, 60Hz lang yan. Pero kung gusto nating umabot ng 144Hz, i-select lang natin to High. Kaunting reminder lang, yung 144Hz na refresh rate ay hindi palaging active sa phone. Nagiging active lang ito sa ilang mga scenarios. For example, kapag in-open natin yung settings page, naka-144Hz ito. Pero sa homepage ay 120 lang. Bababa naman ito agad to 60Hz kung hindi na natin ginagalaw yung display. Mabilis naman kaya makakatipid tayo sa battery.

Pero pagdating sa ilang mga applications, kahit pa sa mga games na compatible naman sana sa 144Hz. Naka-120 lang ito, kahit naka-high yung screen refresh rate option. Halimbawa, tiningnan ko sa Test UFO at talagang 120Hz lang ito. Tapos nag-test din ako sa ilang mga games na compatible sa 144Hz na refresh rate. Kagaya na lang nitong Alto’s Adventure, 120Hz pa rin. Tapos yung Real Racing 3, 120Hz pa rin. Karamihan sa mga application na papatakbuhin natin sa phone ay talagang hanggang 120Hz lang. Pero sana dumating yung time, na dumami pa yung mga applications na pwedeng i-maximize yung 144Hz nitong Infinix Note 50 Pro 4G.

Settings

Sa display setting > color style, dalawa lang yung preset nito. Bright colored or Original kung gusto nating mas natural yung itsura. Pwede rin nating timplahin ang color temperature or white balance depende sa preference natin. Tapos, nakakatuwa naman kasi yung Widevine Security Level nito ay Level 1. Tapos yung max playback resolution natin sa Netflix application ay FHD.

Meron din itong always on display at pwedeng-pwede natin yang i-on sa personalization. Gusto ko lang kayong i-remind na hanggang 60Hz lang talaga yung pinakamababang refresh rate na pwede nitong ibigay sa atin. Hindi ito LTPO na umaabot ng 1Hz or kahit 10Hz man lang para makatipid sa battery. If ever na gagamit kayo ng always on display sa phone, magastos pa rin sa battery.

Performance

Specification:

Pina-promise ng Infinix na makakatanggap ito ng 2 major Android upgrades tapos 3 years na security patches. Future proof kahit papaano itong phone. Ang AnTuTu score na nakuha natin kapag hindi natin ginamit yung virtual RAM, 439538. Kapag ginamit naman natin ay tumaas ito, 443040. Kung gagamitin man natin yung MemFusion or virtual RAM, hindi tayo mag-aalala na mako-compromise yung performance. Madadagdagan pa nga.

Pagdating naman sa battery consumption, sa Wild Life Stress Test, nabawasan lang naman tayo ng 3% tapos nadagdagan lang tayo ng 2°C. Mame-maintain naman natin ang magandang temperature sa phone kahit pa mabigat ‘yung application na papatakbuhin natin. Pagdating naman sa gaming, sa Asphalt Unite, okay naman ‘yung performance. Hindi nito na-generate lahat ng graphics kasi hindi naman ganon ka-powerful yung Helio G100 Ultimate na chipset ng phone. Pero for the most part, smooth naman. Hindi lang ganun kaganda yung graphics pero pwedeng-pwede na. Sa Racing Master, yung graphic settings na kaya lang nito ay hanggang low setting at very playable pa rin naman.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photos screenshots:

Ito ang sample video screenshot:

2K 30fps ang rear video recording nitong Infinix Note 50 Pro. Stable naman ito. Hindi tayo pwedeng mag-switch to ultrawide habang nagte-take ng video recording kasi ibang lente na. Hindi nito kayang mai-switch kaya 1x lang at 2x yung pwede.

Sa 1080p rear video recording naman ng Infinix Note 50 Pro. Malaki yung improvement pagdating sa stabilization. Stable na kanina pero mas stable ngayon. For example, nakasay kayo sa sasakyan or tatakbo kayo for some reason habang nagvi-video ay magandang mode ito. Kailangan niyong tandaan na mag-down scale ito to1080p.

Ito ang sample selfie video screenshot:

2K 30fps naman ang meron sa selfie video recording nitong Infinix Note 50 Pro. Pagdating sa quality, lalo na kung naka-steady lang ay ma-appreciate niyo. Kapag nag-start na tayo maglakad ay doon niyo talaga mapapansin na wala itong stabilization. Hindi ganon ka-stable pero 2K yung resolution, okay naman yung quality at acceptable na. Sa 1080p selfie na naka-on yung stabilization. Una niyong mapapansin na nag-zoom in ito pero mas stable. Pero yun nga lang nabawasan yung quality.

Battery

Specification:

Nakakatuwa na meron itong charging option. Smart Charge, kung gusto nating umabot ng 90W kapag wired. Pero kung hindi naman tayo nagmamadali at gusto nating ma-prolong yung battery health ng phone, Low-Temp Charge yung i-select natin. Meron din itong Bypass Charging. Lalo na dun sa mga mag-games habang naka-charge ang phone para maingatan natin yung battery health.

Ito naman yung SoT na nakuha natin kapag naka-on yung MemFusion, 14 hours and 30 minutes lang. Well, acceptable na. Hindi super impressive pero goods na goods na. Gaya nang nakita niyo kanina, gumanda yung performance kapag ginamit natin MemFusion. Pero keep in mind na medyo magiging magasto ito sa battery. Ang SOT naman kapag hindi natin ginamit ‘yung MemFusion, nadagdagan tayo ng almost 1 hour, 15 hours and 23 minutes.

Conclusion

Iyan na lahat ang mga gusto kong i-share sa inyo tungkol sa Infinix Note 50 Pro 4G. Sa tingin niyo ba, sulit yung phone na ‘to para sa presyo?

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invl.me/clmo0pq
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Nothing Phone (3a) – MAS MUKHANG iPHONE NA NGAYON!
Next: vivo V50 – ALMOST PERFECT NA TALAGA!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.